Bakit ba ikaw pa? - The NocturnalSaint

Latest

Visitors

Monday, May 12, 2008

Bakit ba ikaw pa?

Bakit ba ikaw pa?

Edison®



Hindi ko lubos maunawaan kung bakit nga ba

Sa dinamidami ng babae sa mundo’y ikaw pa

Ang tinangi ko at minahal talaga ng sobra-sobra

Ano nga bang meron ka na wala sa iba/



Kaya heto tinatanong ko ang sarili ko at nag-iisa

Ano na nga ba ang iyong napala?

Di ba’t sakit sa puso at labis na pagdurusa

Ngunit sa iba ay di naman maipakita



Puso ko ngayong nag–iisa’t nangungulila

Ay nababalot ng pighati sa kabila ng ligaya

Sa tuwing nakikita kitang masaya

Sa tuwing nababanggit ang pangalan nya



O Diyos ko! Ako sanay tulyngan mo

Isip at puso ko’y litong-lito

Tama nga ba itong nararamdaman ko?

Kung gayon bakit ako nagdurusa ng ganito?





Hindo ako naghahangan ng ano pa man

Makita lang kitang maligaya ay ayos na

Kahit na masakit ay titiisin

Makita ko lamang matamis mong ngiti



Habang buhay man na magdusa ay aking kakayanin

Pagkat ikaw ay lubhang mahalaga sa akin

Lahat ng bagay ay aking gagawin

Sabihin mi lamang at ika’y agad na susundin
Post a Comment

Add This

Booking.com