Bakit hindi ko maintindihan?

Thursday, June 12, 2008

Sadya bang ang puso ay salawahan

Tunay mong nararamdaman di mo malaman

Tibok ng puso’y di maintindihan

O pag-ibig di ko maunawaan


Ligaya sa aking mga mata

Kasabay ng pusong lumuluha

Sakit ng pusong nadarama

Mabuti pang ikubli sa madla


Takot akong ito’y iyong malaman

Baka ako ay bila na lamang iwasan

Puso kong sayo’y nangungulila

Baka habang buhay pang magdusa


Mabuti pang nadarama ko’y di mo na malaman

Upang tayo ay manatili pang mag kaibigan

Upang ikaw at ako’y lumigaya ng lubusan

Sapagkat iyan lang ang tangi kong kahilingan


Sa tuwing nakikita kita

Na sa piling niya ay masaya

Kakaibang kirot sa puso’y aking nadarama

Anong Pilit ko mang magpkasaya


Sa tuwing siya ang iyong kasama

Batid ko ang mga ngiti sa iyong mga mata

Tuwing ilaw ay nasa piling niya

Tila wala ka ng hahanapin pa


Kaya’t tuwing kasama mo siya

Ako rin nama’y sumasaya

Sapagkat siya lang ang nakagagawa

Nang sa iba’y di ko makita

  • Share:

You Might Also Like

0 comments

Chitika