Normal lang - The NocturnalSaint

Latest

Visitors

Tuesday, August 12, 2008

Normal lang

Normal lang

Edison

Noong una, buong akala ko’y normal lang

Ang pag-ibig kong nararamdaman

Natatanging pag-ibig ko

Para lamang sa iyo aking kaibigan


Ngunit huli na ng aking natuklasang

Ako pala ay nahulog ng lubusan

Ang dating pagkakaibigan

Tuluyan na ngang nauwi sa pakaka-ibigan


Ayoko na sanang sabihin pa

Pagkat alam kong ikaw ay magdududa

Tunay nating pagkakaibigan ayaw kong masira

Ilang taong pinagsamahan ayaw kong mauwi sa wala


Hindi ko sinasadyang mahulog sayo

At ako sanay patawarin mo

Kung isa ngang kasalanan itong nagawa ko

O kaibigan kong sinisinta


Ikaw sana ay huwag magduda

Ako sanay huwag mong pakaiwasan

Pagkat ako rin nama’y labis na nagugulumuhanan

Ngunit ano bang aking magagawa


Kung tanging sinisigaw ng puso ko’y

Ikaw lamang O aking sinta

Hindi ako umaasa na pag-ibig ko’y masuklian

Hangad ko lamang ang iyong lubos na kaligayahan


Sapat na sa akin na mga ngiti mo’y masilayan

Pagkat ikaw lamang ang tangi kong kaligayahan

Alam kong ikaw ay masasaktan

Ngunit huwag mo sanang pakaisipin


Na ikaw ay aking pinagsamantalahan

Lalaong lalo na an gating pagkakaibigan

Ako sanay huwa mong pakalayuan

Paka isipin mo sana ,

na habang buhay Mananatili mo akong kaibigan

Nakahandang damayan ka sa ano mang oras ng pangangailangan

Post a Comment

Add This

Booking.com