ALIPIN by: Shamrock

Wednesday, October 01, 2008

Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin

Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo
Ang sigaw nitong damdamin


Chorus:
Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik

Ayoko sa iba
Sa yo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang yong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na parang
Aso at pusa giliw
Sa piling mo ako ay masaya

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik

Pilit mang abutin ang mga tala
Basta sa akin wag kang mawawala...

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik

Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sanang iparating
Na ikaw lamang ang aking iibigin






Para sa iyo ang awiting ito..
Sana nga ay alam mo..
pero natatakot ako na sabihin sa Iyo..
Baka bigla na lang gumuho ang mundo ko..
Alam ko duwag ako, duwag talaga ako..
dahil takot ako na mawala ka sa BUHAY KO...

  • Share:

You Might Also Like

0 comments

Chitika