Anino

Sunday, June 21, 2009


Umaga na pero hindi pa rin ako makatulog. Kayat heto at minabuti ko ng buksan na lang ang aking munting kaibigan. Upang maibuhos ko ang aking nararamdaman. Umaapaw na imosyon mula dito sa puso ko na tila ako ay nilulunod. Imosyon na hindi ko alam kung saan nagmumula at tila hindi nauubos. 

Nakakapagod ang araw na ito buong maghapon na tila wala naman akong natapos  at naisakatuparan. Mabuti na lang ay may mga kaibigan akong nakasama. Kasamsa ko si Anne at si Eric. Pero may mga ilang bagay kaming napag-usapan na ewan ko ba pero tila nag-iba ang mood ko. Ang tinutukoy ko ay alam niyo na yun Anne. alam ko naman na mababasa mo itong blog ko eh. hehe.. katulad ng sinabi ko magkaibigan nga kami mag KAIBIGAN at mananatiling magkaibigan. Gustuhin ko man humigit pa roon ay hindi naman mangyayari. Mabuti na rin ang ganito masakit man pero titiisin ko. Higit kong pinahahalagahan ang aming pagkakaibigan sa kahit ano pa man. Tawagin nyo na akong Bakla! Tanga! Idiot! Stupid! pero hindi na yata magbabago nag isip ko. Masakit kapag nakikita ko na may umaalialigid na kung sino sa kanya. Pero sana lang sa oras na matagpuan na nya ang taong magpapahalaga sa kanya gaya ng pagpapahalaga ko ay lumigaya siya. Sapagkat yun lang naman ang tanging hangad ko sa kanya.

Mahirap, masakit, masaya, nakakasira ng ulo ang ganitong pakiramdam. Hindi ka mapakali. Sino kayang kasama nya? Ano kayang ginagawa nya? Sino kayang ka-Text nya? Sinong kausap niya? Ilan lang yan sa mga tanong na pumapasok sa utak ko. Hindi tuloy ako makatulog. Baliw na nga talaga ako. Oo na! baliw na kung baliw! Isang malaking kabaliwan nga ang mahulog at umibig sa isang kaibigan.

Sana nababasa mo ang laman ng puso ko ngayon. Pero mas mabuti na ngang hindi ng hindi lalong gumulo ang lahat. Nang minsang nagkaron ka ng alam. Lalo lang akong nahirapan. Kayat mabuti na ang ganito. Hayaan mo akong maging anino na lang. Na kailangan mo man o hindi ay laging nariyan.



  • Share:

You Might Also Like

0 comments

Nuffnang

Follow me on Instagram @NocturnalSaint

Woodrank