Si Lalaki. Si Babae

Wednesday, June 24, 2009

Bakit kapag ang lalaki umiihi sa pader, sa gilid ng kalsada o kung saan man ay Okey kang para sa ibang tao? Pero kapag ang babae ang nakita nila. Ganito ang sinasabi "ano ba naman yan! kakabaeng tao eh.." at kung ano-ano pa. Bakit kapag ang lalaki ang nangaliwa. Okey lang para sa iba? "Lalaki kasi" yan ang madalas nilang sabihin. Pero kapag babae ang nahuli. Kulang na lang batuhin siya ng bato para mamatay. Tila ba hindi yata patas diba? Eh bakit sa MRT at LRT may nakahiwalay na parte tren na para lang sa mga babae? Bakit kailang paupuin muna ang babae bago ang lalaki? Di ba hindi rin yata patas yun? Naalala ko tuloy yung traning namin. Ang issue na ito ay talagang naging matinding depate pa. Sabi ng Trainer ko na lumaki at nag aral sa states. Hindi ganun doon. AT nang bumalik siya ng Pilipinas talagang nagulat siya at natataka sa kanyang nakita. Bakit sa States tila pantay yata ang babae at lalaki. Pero bakit dito parang Hindi?

Ang masasabi ko lang hindi maaring maging equal ang lalaki at babae. Hindi? Bakit? Dahil hindi naman sila talaga magkaparehas. Ang lalaki ay nilikha bilang lalaki at ang babae naman ay nilikha bilang Babae. Ang babae nilikha upang manganak. Pero ang lalaki ba kayang manganak? ANg lalaki binigyan ng higit na lakas kesa sa babae. Nugnit hindi ibigsabihin ito ay dapat na itong pagtalunan. Higit na matalino ang lumikha sa atin sa kahit na sino pa mang matalinong tao dyan! Ang Lalaki at Babae at tunay na magkaiba. Ngunit hindi ibigsabihin nito ay kaya nilang mabuhay ng mag-isa. Ang lalaki ay nilikha para sa Babae at ang babe ay nilikha para sa lalaki. Nilikha sila upang magtunlungan. Hindi nga sila EQUAL pero dapat magkaroon ng BALANCE. Kailangan ng lalaki ang respeto. ang bawat lalaki ay may ego na kapag ito ang tinakan mo ay talagang magkakagulo. Kailangan ng lalaki ang nagpapadama sa kanya na malakas siyaat makapangyarihan. At ito ang mga bagy na kayang ibigay ng mga babae. Ngunit bilang kapalit nitop kailangan naman ng babae ang pamamahal, kalinga ta pag-aaruga. Gusto ng babe ang may natatangol sa kanya. Isang lalaki na kaya siyang itaguyod at alagaan.

Ito naman talaga ng disenyong ginawa ng Diyos. Ang sabi nga sa bibiliya. Ang mga asawang lalaki ay dapat na irespeto ng mga asawang babae kapalit nito kailang ng asawang lalaki sa mahalin ang asawang babae.

Kaya't malinaw na ang bakaibang bagay ay hindi maaaring maging EQUAL ngunit maari silang maging BALANCE. Give and take ika nga!

  • Share:

You Might Also Like

0 comments

Nuffnang

The NocturnalSaint

↑ Grab this Headline Animator

Woodrank