Walang nangyari

Saturday, June 20, 2009

      May usapan kami ni Anne today. Dati ko siyang kasama sa dati kong job. Aayusin sana namin yung clearance. Pero padating namin sa office wala naman yung mga taong kailangan namin para pirmahan yung clearance. So kailangan pa naming mag-antay ng gahi para lang matapos na. kaya lang mahigit sa 15 hours pa ang aantayin namin. Magla-lunch na. Gutom na kaming dalawa. Napagkasunduan kasi namin na magpagabi na lang  sa office. yun nga lang nakakahiya mang aminin pero mejo kulang na ang bugget namin. Buti na lang may usapan din pala kami ni Eric at manglilibre siya today. So solve na yung luch namin.


  After naming kumain kasama si Eric. pumunta kaming tatlo sa bahay nila Anne para dun muna magpalipas ng oras. medyo malayo din pala ang biyahe. Pero mas malayo pa rin ang bahay ko. From there house nakilala namin yung Mama, mga kapatid and even yung mga pinsan niya. Pagdating namin dun wala naman kaming ginawa maliban sa pag-iInternet. Pampalipas lang ng oras. Past 7:00 pm na kami umalis para bumalik sa office. Pagdating namin sa office nag antay uli kami ng ilang oras pero bigo pa rin kaming umuwi. Pagod at gutom ang inabot namin. Pero okey medyo enjoy naman, Dahil magkakasama kaming tatlo.



Posted by

  • Share:

You Might Also Like

0 comments

Chitika