Ang Mahiwagang Mensahe! - The NocturnalSaint

Latest

Visitors

Monday, July 06, 2009

Ang Mahiwagang Mensahe!



Ang pangyayaring ito ay naganap kahapon sa Church. Matapos kong magturo ng Sunday School bumaba na ako upang maghanda para sa aming Sunday Worship Service. Nang bigla na lamang akong kinalabit ng isa sa aking mga Estudyante sa bay abot ng isang piraso ng papel. Binasa ko kaagad ang nilalaman nito at halos tumulo ang aking luha sa laman ng liham niya. Labis na kaligayahan ang aking nadama matapos mabasa ang saloobin ng aking Estudyanteng ito. Ano nga ba ang laman ng liham? gusto mong malalaman?

 Wala naman.. Sinabi lang niya sa akin na nagpapasalamat siya dahil ako ang naging guro niya at nagpapasalamat din siya sa mga natutuhan niya mula sa akin. Maaring sa iba walang kwenta ang laman ng sulat sa iyon pero para sa isang guro na tulad ko ay napakalaking halaga noon. Ibigsabihin lang nito ay talagang may natutunan ang aking mga mag-aaral. Hindi naman sa pagmamalaki ngunit dagdag pa niya sa kanyang liham na ako ang pinaka paburito niyang guro. AbaH! hindi bat talaga namang nakakataba ng puso!

Post a Comment

Add This

Booking.com