Sadya bang ako ay Praning lang?

Monday, July 13, 2009


Ang nais mo’y kalimutan na kita?
Ngunit paano ko iyon magagawa?
Sabihin mo nga?
Paano ko kakalimutan ang taong nagbigay sa akin ng pag-asa?
Taong nagbigay ng tuwa at kakaibang ligaya?
Utusan mo na lamang akong magbigti at baka magawa ko pa
Ngunit ang kalimutan ka ay siguradong hindi ko magagawa
Hugis ng iyong mukha dito sa puso ko ay naka-ukit na
Paano ko ba patutunayan na ang hangarin ko ay hindi masama?
Upang pagdududa mo ay tuluyan ng mawala
Noon ako ay nagdadalawang isip pa, ngunit ngayon ako ay sigurado na
Pag-ibig nga itong aking nadarama
Ngunit paano ko ito sasabihin, kung sa iyong mga tingin pa lang ako ay natutunaw na?
Mahal kita iyan ang tunay kong nadarama
Hindi naman ako humihingi ng higit pa
Sapagkat alam ko mula pa sa umpisa na ang lahat ng ito ay mananatiling managinip na lang

Noong una wala akong pangamba, Pangamba na makuha ka ng iba
Sapagkat alam ko na sa dami nila, wala naman ang sa iyo ay papasa
Ngunit ng dumating na SIYA, Puso ko ay natutop ng pangamba
Pagkat sa una pa lamang ninyong pagkikita
Kakakibang kislap mula sa iyong mga mata aking napuna,
Habang ikaw ay seryosong nakatiningin sa kanya
Sa paglipas ng araw
Puso ko ay lalong nalunod sa takot at kaba
Lalo na ng mismong sa akin ay aminin niya, na ikaw ng ay gusto niya
Hindi ko alam kung ano ang tunay at dapat kong madama.
Gusto ko mang umapila ngunit para saan pa?
Lalo lang akong magmumukhang tanga
Ang aking isipan ay labis na nagugulumihanan
Nais kong magsaya ngayong nalaman ko na parehas ang inyong nadarama
Tutal naman kaibigan ko kayong dalawa
Ngunit sa kabila nito hindi ako makahinga
Tila ba ang pag-asa ko ay tuluyan ng nawala
KAIBIGAN, ako ay mananatiling kaibigan na nga lang yata

Limipas ang mga panahon at ang inyong pag-uusap ay naging madalang na
Hindi pa man umabot sa sukdulan ang inyong mga darama
Tila ikaw ay nagsawa na
Alam kong magkatulad ang inyong nadarama
Ngunit mas pinili mong umiwas na

Muli akong nabuhayan ng pag-asa
Ngunit kasabay nito ikaw ay nagbago na
Relasyon natin hindi tulad ng nakaraan
Sigurado ako na mahal pa rin kita
Ngunit anga ting pag-kakaibigan ay tuluyan ng nag-iba
Hindi ko tiyak kung ito ay dahil sa isa nating kaibigan
Na sadya namang biniyayaan ng makating dila
Na talaga naming pinagkatiwalaan ko ng sobra-sobra
Aking isinalalaysay sa kanya ng tunay kong nadarama
Ngunit matapos ang ilang lingo, nabalitaan ko na lang na alam mo na rin pala
Kaya’t hindi na ako nagtaka ng maging ako ay iwasan mo na
Ngunit matapos ang pangyayaring iyon
Buong akala ko ang mga sugat ay naghilom na
Sapagkat pagkakaibigan natin ay muling nabuo at nanariwa
Sa kabila nito alam kong ang lamat ay mananatili na
Ngunit hindi ito sapat upang mangyari ang mga pagbabago mong bigla

Ang nakabibighani mong lakad ay wala na
Ang inosente mong mga mata ay tumapang at naging mapusok na

Isa lang ang paki-usap ko. Hindi lang ikaw ang nahihirapan.
Alam kong kasalanan ko. But please don’t be so selfish.
Alam mo ang pakiramdam ng nadarama ko ngayon. Minsan ka ring nagkaganito. Saya lang Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito.

  • Share:

You Might Also Like

0 comments

Nuffnang

The NocturnalSaint

↑ Grab this Headline Animator

Woodrank