A New Home - The NocturnalSaint

Latest

Visitors

Thursday, August 27, 2009

A New Home



Last Friday night i had my interview at Makati around10:00 pm. Medyo kinakabahan talaga ako at nawawalan na ng pag-asa. matagal akong naghintay almost one month na. Matapos ang short interview ay kailangan ko uling mag antay on Monday for the result. The interviewer told me that Hr will call me for the result. Lumipas ag sabado. Dumating ang Linggo at natapos na ang lunes ngunit walang HR na tumawag. 1:00 am ba ako ng Tuesday natulog. Umaasa na bakasakaling maytatawag pa. Hanggang sa nakatulog na nga ako. kinabukasan ay wala na ang aking pag-asa. nagkaroon ang ng Part time job noong Tuesday at medyo napagod ako. Kaya naman agad kong inihiga ang aking pagod na katawan. Sandaling nagmunimuni habang nakikinig sa paborito long FM Station (Mellow94.7 Sounds good naman kasi talaga!). Ilang minuto pa ang lumipas at nakadama na ako ng gutom kaya hayun ikinain ko na lang ang pagodko. Habang kumakain na naiwanan ko ang cellphone ko sa itaas, sa higaan ko. Hindi narinig n anagring pala ito. matapos kong kumain doon ko lamang nakita ang dalawang miss call ng isang hindi kilalang numiro. Nakadama ako ng kakaibang kaba. Baka ang HR na iyo. but I miss it! wika ko sa aking sarili. After a few more munites habang nagbabasa ako ng isang tagalog pocketbook ay tumunog muli ang aking cell phone. Si Jhem ang tumatawag ang HR representative na kausap ko. She sound happy at lalong nadagdagan ang kaba sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay may dala siyang isang mabuting balita. Hindi nga ako nagkamali. Maganda ang dala niyang balita. Pumasa daw ako sa interview at dahil doon I need to come for the job offer in Makati. Napakasaya ko ng gabing iyon. Sa wakas muli akong nabuhayan ng pag-asa. ang gabing iyon hindi na ako halos nakatulog dahil sa sobrang excitement ko. 11:00 am ang schedile ko pero 9:30 pa lang ay nandoon na ako. After ng halos isang oras na paghihintay ay tinawag narin ang aking pangalan. Sinamahan ako ng isang HR representative the Floor ng Building kung saan gaganapin ang JO (Job offer). Finally! nakapirma na ako ng contrata. magkahalong kaba, saya at excitement and nararamdaman ko ngayon .

Thank God talaga! Hindi talaga ako nagkamali na ipagkatiwala ang lahat sa kanya. Tunay na napaka buti niya sa aking buhay at kahit kailan ay hindi niya ako pinabayaan. Tunay siyang tumutugon sa aking mga panalangin. Thank God! To God be all the Glory!
Post a Comment

Add This

Booking.com