Craving for Donuts - The NocturnalSaint

Latest

Visitors

Saturday, August 01, 2009

Craving for Donuts

I am a donut lover. Madalas kapag napapadaan ako sa tindahan ng donut hindi ko mapigilan ang aking sarili na bumili nito. Minsan kahit wala akong pera natutukso pa rin akong bumili. Di bale ng kapusin ang mahalaga ma-satisfy ko ang cravings ko for Donuts.
Chocó Honey Deep, Chocó Butter Nut and Bavarian flavors, those are my favorite flavors of Donuts. Mapa-donuts or munchkins pa man yan ayos na. Isa ako sa mga taong medaling kausap. Kapag batrip ako, Senti mode or irate pa man, donuts lang ang katapat niyan. Siguradong magiging okay na uli ang pakiramdam ko.
Madalas akong bumili sa Dunkin Donut na nasa likod ng Ever Gotesco Grand Central. Isto kasi ang pinaka malapit na puntahan. Kapag nagagawi naman ako sa Makati, sa isang Dunkin Donut sa ilalim ng Gil Puyat station naman ako bumibili. Sa Dunkin Donut naman sa may Entrance ng Farmers Plaza ako bumibili kapag sa Quezon City naman ang punt ako. Kapag nasa ortigas naman ako sa tapat ng Starmall ako madalas bumibili at syempre Dunkin Donuts pa rin. (Oh hayan may Free Advertisment na sila.. heje) Bakit naman hindi? They deserve it dahil ang sarap talaga ng donuts nila. Isa pa never akong naka experience ng bad customer service mula sa kanila. Unlike with Mister Donut.

Do you want to know how? Heres the Story. One time medyo Senti mode ang fdrama ng lolo n’yo habang papasok sa office. Day shift ako during that time. Dahil wala sa mood bumili ako ng donuts para naman medyo umayos ang araw ko. So una kong nadaanan yung Dunkin Donut doon sa Recto Terminal Station ng LRT line 2. Kaso sarado pa sila. So punta ako doon sa kabila. Sa Mister Donut kasi sila yung bukas na. Bumili ako ng four pieces na donut. Twelve peseos ang isa (Php 12.oo) so times four equals fourty eight pesos (Php 48.00). (Yehey marunong na pala akong magmultiply) Anyway balik tayo sa story. Inilagay na nung mama yung donuts sa plastic tapos iniabot niya sa akin. Iniabot ko rin yung one hundred peso bill (Php 1oo.00). Hawak ko na yung donut tapos biglang inagaw sa aking nung tinder na iyon na akala mo ay ninakaw ko. Bigla ba naman niyang sabihin sa akin ang ganito:
“Ano bayan! Kasasabi ko lang na wala pa nga akong barya tapos bibigyan mo ako ng buo. Akin na mga yan. (Sabay agaw sa donuts) King gusto mong bumili maghanap ka ng barya mo!”
Take note pasigaw niyang sinabi yon na akala mo isang Boss na pinagagalitan ang isang tauhan niya. Dahil doon kumulo talaga ang dugo ko. Umabot hanggang sa utak ko. Kaya naman hindi rin ako nagpatalo . ganito ang nasabi k sa kanya:
“ Hoy mamang tatlo ang sulok ng mukha! Bumibili ako at hindi nagnanakaw. Kung wala kang barya magsara ka na o kaya naman limipat ka na ng pwesto. Hindi ka bagay dito lalo na iyang sama ng ugali mo”
Natural ng malakas ang boses ko pero ng oras na iyon nadinig yata ng lahat ang pagsigaw ko. Nagkatingin na ang lahat sa amin. That time medyo nahiya rin ako para sa sarili ko pero naunahan lang talaga ako ng init ng ulo. Kung hindi lang ako nagmamadali baka hindi lang iyon ang nasabi ko. Kaya ayon pagdating sa office Badtrip tuloy ako. Mabuti na lang paguwi ko binigyan ako ng friend ko ng isang box ng Donuts. Kaya hayon happy happy na uli. Nagsimula ang lahat sa Donut kaya saan pa ba matatapos edi sa Donut.
Post a Comment

Add This

Booking.com