Praise You in the Storm! - The NocturnalSaint

Latest

Visitors

Thursday, October 01, 2009

Praise You in the Storm!

Medyo maambon pa ng umuwi ako from shift. It's a saturday morning. isang text message ang aking natnggap mula sa aking kapatid na sinasabing bumili na ako ng pagkain dahil bumaha sa amin. Matapos makabili ng pagkain ay umuwi na ako. Pagdating ko sa bahay ay wala ng baha ngunit dahil nagwawala ang aming baby hindi na niya nagawang makaapaglinis ng bahay. HIndi pa man ako nakakapagbihis ay ako na ang nalimas ng bahay. Matapos noon ay nag-almusal na ako. Nang makaramdam na ako ng busog ay kaagan na akong natulog. Halos mawala ako sa aking sarili ng gisingin ako ng aking kapatid. Naalimpungatan ako mula sa aking pagkakahinbing na halos wala pang tatalong oras. Ginising niya ako dahil baha na anaman daw at mas masama pa nasa sahig na ito ng ikalawang palapag ng aming bahay. Halos hindi ako makapaniwala sa aking mga nakita. Nang mahimasamasan na ay Mabilisan kong kinuha ang mga damit at ang mga bagay na mamaari ko pang maisalba. Napakabilis ng mga pangyayari at napaka bilis din ng pagtaas ng tubig. Maraming gamit akong hindi na nagawapang mailigtas. Wala si Mama sa bahay ng mga oras na iyon dahil may pasok siya sa trabaho. Hindi rin naman ako masyadogn natulungan ng kapatid ko dahil kinaialangan niyang bantayan ang bata. Patuloy pa rin ang pagtaas ng tubig at lubhang napakabilis nito. Kaya naman inutsan ko nag aking kapatid na mag-umpisa ng magimpake dahil kung hindi pa rin titigil ang pagtaas ng tubig ay wala kaming magagawa kundi ang lumikas. Tulad ng aking nasa isipan hindi nga tumigil ang pagtaas ng tubig. Ayaw ko ng iditalye pa ang mga sumunod na pangyayasri. Sapagkat hanggangsa ngayon ay hindi ko parin mapaniwalaan ang mga pangyayari. Nakakita ako ng mga taong lumilikas at tanging ang bubungan ng mga bahay na manga anga tanging daan tulad ng ginawa namin. nakakita rin ako ng mga hayop na nalulunod at lumalangoy. Aso, pusa, baboy at kung ano-ano pa. Nang mga sandaling iyon ang pakiwari ko ang magugunaw na ang ang buong mundo. Salamat na lamang sa Diyos at maayos naman kaming nakalikas. Walaa kaming naisalba maliban sa mga damit ng bataa. kaunting damit ng aking kapatid ang damit ni mama. Sa buong magdamag nasa evacuation area kami ng mama at papa ko. NAg akapatid ko naman ang ang pinsan ko ay nakituloy muna sa isa ko pang pinsan. Habang naghihintay sa pagbaba ng tubig at nanatili ako sa basang kasootan ko. may namigay ng damit kaya nakapagpalit at ngunit nanatiling basa ang short at ang underwear ko. Ang pangyayaring ito sa aking buhay ay isa sa mga bagay na kailanman ay hinding hindi ko na makakalimutan pa. Alam kong naapakahirap ng situwasyon namin ngayon. Ngunit hindi ito dahilan upang hindi kami mapatuloy. Sakabila ng mga naranasan namin hindi ko pa rin pinagsisisihan ang mga pangyayari. Sapagkat mula pa sa simula ay alam ko na ang kontrolado ng ating Pasnginoon ang lahat. Sa kabila ng mga pangyayari ay maraming bagay parin akong dapat sa ipangpasalamat sa kanaya,. Ilan lamang ito sa mga iyon:
  1. May bahay pa kaming binalikan
  2. Kumpleto pa rin kami at walang nasaktan sa amin
  3. Habang nagaganap ang mga hindi magandang pangyayaring iyon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makipag bonding sa pamilay ko
  4. marami akong natutunan sa pangyayaring ito. maraming bagay ang itinuro ang Diyos sa akin
Ilang lamang iyan sa mga bagay na dapat kong ipagpasalamat sa kanya at marami pang iba.
Sa kabila ng ng mga pangyayari kaya ko pa ring ngumiti at magpakasaya. At higit sa lahat kaya kong ipagsigawag sa buong mundo na "Tunay na napaka buti ng ating Diyos, Tapat siya kailan man at hindi nagbabago. Tunay siyang dapat na pag-alayan ng papuri at wala ng iba pa!"
Post a Comment

Add This

Booking.com