Facebook and Real Life APPLICATION

Friday, November 06, 2009

  It's a very tiring day. It's already 10:00 am pero heto gising na gising pa ako. I just came from work kaya medyo puyat. Pero heto sadyang dumaan sa Internet shop at eto na nga at nasa harap ng computer upang magpose sa aking blog. Wala namang masyadong bagong nangyari sa aking today maliban sa naglevel up na naman ako sa Farmville, Restaurant City at Cafe world. Ano Yun? Sa mga taong hindi alam ang tinutukoy ko (I'm sure ay bibihira lang) Ang mga ito ay ilan lamang po sa nga application sa Facebook. Eto na naman au na aadik na naman. Halos araw-araw na naman akong sumasabit sa Internet cafe kahit pa muntikan pang malate sa trabaho ang mahalaga ay makapagharvest ako, hehe.


     Sana sa tunay na buhay ay ganoon lang din kadali ang kumita ng pera at ang magtrabaho. Yung tulad ng sa mga nasabi kong application na ilang minuto lang ay preso may pera ka na agad. Ilang oras, ilang araw lang at malaki na ang Cafe o ang farm mo. Sana gaoon din kadali ang buhay kaso ang reyalidad ay hindi. Ang katotohanan ay kailangan nating paghirapan ang mga bagay na gusto nating makuha. Sometimes we find it negative. Syempre nga naman sino ba ang gustong maghirap pa kung makukuha m lang din naman sa madaling paraan. Pero in the other hand I find it possitive. Why? Simple lang. Dahil ang mga bagay na pinaghihirapan natin ay kaya nating pihalagahan. Dahil alam natin kung ano ang ating pinagdaanan upang makamit iyon.

     Masasabi  kong iyon ang isa sa magagandang bagay na na narealize ko sa buhay. Nung bata pa tayo madaling humingi sa magulang natin ng pera o ano mang pangangailangan natin. Minsan nga kahit hindi natin naman talaga kailangan o importante ay pinipilit pa rin nating  makuha. Masaya tayo kapag nakuha natin ang bagay na iyon. Ngunit madali rin sa atin ang magalit kung hindi iyon kayang ibigay sa atin ng magulang natin.Kapag na sa atin na ang bagay na iyon ay hindi naman natin kayang pahalagahan. katulad na lamang ng laruan hindi natin ito iniingatan at kapag nasira na ay madali namang magpabili ng bago. Syempre hindi natin iyon pinaghirapan. Pero ngayong nasimula na akong magtrabaho at kumita ng pera ngayon ko rin nalaman kung paano pahalagahan ang mga bagay. marahil maraming katulad ko na sa panahong nagkatrabaho na sila doon lang din nila narealise ang mga ganitong bagay.

     Hindi madaling kumita ng pera kaya dapat lang na matuto tayo na pahalagahan ang mga bagay na nsa atin. Hindi lamang Material thing but most of all those things that are priceless. Like Love, care, our families and love ones. We can only realize the importance of this things ang of these people if they are already gone. Which I hope hindi na umabot pa sa ganoon bago tayo magising sa katotohanan.

  • Share:

You Might Also Like

0 comments

Chitika