Breakfast with Batch 84 - The NocturnalSaint

Latest

Visitors

Tuesday, December 08, 2009

Breakfast with Batch 84




   Matapos ang asaran at kauting alaskahan etong si Tim na aking ka-batchmate sa training ay nakumbinsi naming manlibre, katulad ng madalas mangyari.  Ang orihinal naming usapan ay Quarter pounder na lang sa Mcdo ngunit mas yado kaming marami kung kayat tiyak na malaki ang gastos. Naisipan niyang sa yellow Cab na lamang kami kumain. Matapos ang aming shift ay nagmadali na kaming lumabas at kaagad siyang nag hanap ng ATM upang makapag-widraw. Dalawang box ng pizza na may magkaibang flavor ang kanilang inorder. sapat sa labingdalawang katao. Sa totoo lang sa tingin ko ay sobra iyon. Ngunit sa tingin ko lang iyon at mukhang ako ay nagkamali. Sa maniwala at hindi ay naubos namin ang dalawang large boxes of pizza. Alam kong medyo napagastos siya ngunit bakas sa mukha niya ang kasiyahan dajil sa unang pagkakataon ay nabuo din ang Batch 84. Madalas kasi na kapag may lakad sila, halimbawa na lang ay gimik o inuman ay hindi kami nakakasama. Kung kayat masaya ang lahat dahil nakumpleto din kami sa wakas.

Add This

Booking.com