Paalam Kuya - The NocturnalSaint

Latest

Visitors

Thursday, June 06, 2013

Paalam Kuya



Paalam Kuya


O kaibigan saan ang iyong tungo?
Bakit aalis at lilisanin na ako?
Kaibigan ko sana ay mag-iingat ka
Kahit saan pa man ang iyong punta

Alalahaning sayo'y may naghihintay
Takip-silim may abutin nitong buhay 
Hanggat may lakas ako ay mag-aabang
Abutin man ng bukas at walang hanggan

Isang dalangin ang pabaon ko sayo
Pagpalain ka nawa sa iyong paghayo
Walang hanggang biyaya ang sumaiyo
Masaganang buhay nawa'y makamtan mo

Kay raming nagbago dito sa buhay ko
Magmula ng ikaw ay nakilala ko
Lumigaya't nagkakulay yaring Mundo
Natutong ngumiti at makihalubilo

Pagpatak ng luha ay pansamantala
Sapagkat tayo'y muling magkikita pa
Mahahagka't di na maghihiwalay pa
Paalam kuya! talagang mam-imiss kita



Add This

Booking.com