Ang Puso ni Tanga - The NocturnalSaint

Latest

Visitors

Thursday, February 08, 2018

Ang Puso ni Tanga


Ang Puso ni Tanga

Pilit mang ibaling ang atensiyon sa iba
Ikaw pa rin ang hanap ng pusong tanga
Dulot mo ay parang 'pulang kabayo' na sadyang kakaiba ang tama
Pilit mang limutin, pilit mang lumayo, 
Hindi naman magawang tumakbo
Anong pasikotsikot man ang tahakin ang hantungan ay pabalik pa rin sayo
Pilit mang kumawala, marinig ko lang pangalan mo ako'y nanghihina
Ayan na naman si tanga at laging aligaga
Lahat ay gagawin para sa taong mahal niya
Ngunit di naman pansin ang iyong halaga
Pilit nagpapakaalila samantalang ang isa ay nakatoon ang atensiyon sa iba
Kailan ka ba matututo?
Kailan magigising sa katotohanang kailan man ay di magiging kayo?
Sabi mo di ka umaasa ngunit puso mo'y nangungulila
Hanggang kailan ka magtitiis?
Hanggang kailan ka tatangis?
Hanggang kailan ka mabubuhay sa iyong masamang managinip?
Hanggang kailan magpapanggap na masaya?
Hanggang kailan aasa sa wala?
Kailan masasabi na tunay ngang ika'y malaya?


Created on 20180208-01:50





























Please Consider liking Ulikba Diaries by NocturnalSaint for updates of our travel adventures, tips and recommendations. Please also consider donating for the maintenance of this website.

 
Follow my social meadia accounts using the handle @NocturnalSaint






Post a Comment

Add This

Booking.com